Wednesday, December 16, 2009

PASKUHANG PUPIL '09

Halina! Halina! Halina!

mga kaibigan! kabaryo at kapanalig sa PASKUHANG PUPIL 2009!

Ang lahat ay inaanyayahang makilahok sa isa na namang kinakasabikang piging sa isang KABARET na kung tawagin ay CLUB DREDD sa darating na ika-17 ng Disyembre, ika siyam ng gabi upang makipagsiyahan at makihalobilo sa pagtatanghal ng kombong PUPIL sa huling pagkakataong ngayon taon.

At Upang malugod na salubunging ang bagong taong 2010, na tiyak na magsisilbing isa na namang bagong kabanata sa kasaysayan ni ELY, YAN, DOK AT WENDELL. Isang kasaysayang hitik at hindi malilimutang umaaktikabong aksiyon, drama, kahihiyan at katatawanan.

Makilahok at makipagsalimuha sa PASKUHANG PUPIL, hatid sa inyo ng Buendia Health Center, Yuzon Bookstore, Sergio T-shirt Printing at Garcia Pottery and Plants. At ang himpilang tanging walang tigil sa pagsuporta sa lahat, NU107.

-TEAM PUPIL

No comments:

Post a Comment